Thursday, January 19, 2006

History ulit!!! ( reflrection cheness Day 3)

Day 3 was (take note!!! WAS ulit) a day of "talent showcase".
May mga newly discovered actors and actresses at ang pinaka matindi sa lahat may mga potential ago-go dancers pala kaming kasama ( thanks sa social studies group... now we know na may alternative job pala kahit di na dumating ang Sept. and Dec salary.... Rejoice mga katribu!!!)


It wasssss an exciting day kasi mega Hands-on to the highest level na ang aking mga kachuva dito while ang yours truly ay nasa isang tabi patuloy na giniginaw sa aircon ( Help!!!wala nito sa Tawi-tawi). Actually kung nabasa nyo reflection ko kahapon... still I am making isp-isip pa what to do... parang sa sobrang dami ng gusto kong i apply, my hands are kinda paralyzed na tuloy and my brains ( kunwari gumagana... no kokontra pls!) ay parang hindi na maka organize ng thought.


Honestly dahil nga sa nasa dulo ng Pilipinas ang Tawi-Tawi at ako ay located sa isang isla ay buong puso kong ikinukumpisal na guilty ako sa paratang na i don't regularly gamit our PC sa school dahil nga sa ala pong kuryente sa araw (ouch!!!) and we only make kabit-kabit sa sa generator ng mga multi- company sa "neighboring country" ( Globe Lines) but anyway medyo di na ko magwoworry kasi ayon sa aking bubuwit ay pinapa ayos na ang aming generator sa skul so I can practice na what "I preach". Hopefully... i can be more of service to mankind ( medyo related naman di ba? and take note may sense!)

So mega Power Point Ek-ek na ko pag balik ko sa area... Promise!!! Excited na ang inyong abang lingkod na mag explore lalo na sa mga shinare na tips ni sir Garsh and sir Meoh sa power Point. Naway maabot ko ang rurok ng kaligayahan ( ooppsss... sumasapi nanaman ang espirito ni rosana roces...).

Serios na ito... maraming salamat sa aming mga facilitators ( remember Patience is a virtue!)... may 6 days pang natitira... I am sure so dami pa ang in store for us.

so keep sane!!!

Meparin,
Bavelle

No comments: